𝗗𝗦π—ͺ𝗗: π—ͺπ—”π—Ÿπ—”π—‘π—š π—šπ—¨π—§π—’π—  𝗣π—₯π—’π—šπ—₯𝗔𝗠

Agosto 4, 2025

Municipal Sports Complex, Tinambac

Sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng Tinambac sa pamumuno ng masipag na Alkalde Hon. Edward Albert β€œBobit” P. Prades, katuwang ang DSWD Region V at ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamamagitan ni Ma’am Maria Julia L. Dela Cruz, Focal Person for National Programs β€” matagumpay na naisagawa ang implementasyon ng π—ͺπ—”π—Ÿπ—”π—‘π—š π—šπ—¨π—§π—’π—  𝗣π—₯π—’π—šπ—₯𝗔𝗠 sa bayan ng Tinambac.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang mga Konsehal ng Bayan na sina Hon. Bobot Prades, Hon. Gina Brioso, at Hon. Jona Abiog, na nagpaabot ng kanilang mga mensahe ng suporta at inspirasyon sa ating mga kababayang benepisyaryo.

Ang LGU-Tinambac ay patuloy na magsusumikap at maghahatid ng tapat na serbisyo at makataong pamumuno para sa kapakanan ng bawat TinambaqueΓ±o. Tungkulin at kasiyahan ng ating lokal na pamahalaan na mas marami pang mamamayan ang makinabang sa mga ganitong programa sa mga darating na panahon.

Salamat asin Dios Mabalos po!