PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA – BUENAVISTA ELEMENTARY SCHOOL

Isang makulay at makahulugang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang ginanap sa Buenavista Elementary School.

Malugod na inimbitahan bilang panauhing pandangal si Mayor Edward Albert “Bobit” P. Prades. Subalit, bilang kanyang kinatawan, si Konsehal Jona Abiog ang dumalo at nagsilbing tagapanguna sa panunumpa ng mga bagong halal na opisyales ng paaralan.

Kasama sa pagdiriwang si Ginoo Christian Delos Angeles, Punong-guro, ang buong kaguruan, mga mag-aaral, mga magulang, at Barangay Officials na nagbigay ng kanilang suporta at naging bahagi ng makabuluhang paggunita. Ang kanilang presensya ang nagdagdag ng kulay at saysay sa okasyong ito.

Ang selebrasyong ito ay hindi lamang pagbibigay-pugay sa ating pambansang wika, kundi paalala rin na ang wika at kultura ay sandigan ng pagkakaisa at kaunlaran ng ating bayan.

Patunay din ito na ang Lokal na Pamahalaan ng Tinambac ay lubos na sumusuporta sa makalidad na edukasyon, bilang pundasyon ng mas maliwanag na kinabukasan para sa kabataan at komunidad.