ABISO SA LAHAT NG BDRRM COMMITTEES SA MGA KOSTAL NA BARANGAY

Inaabisuhan ang lahat ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committees (BDRRMCs) sa 22 kostal na barangay ng Tinambac na maging mapagmatyag at alerto kaugnay ng posibleng pagtaas ng lebel ng tubig-dagat, alinsunod sa pinakahuling Tsunami Advisory na inilabas ng Department of Science and Technology – Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS).

Mahigpit na pinapayuhan ang mga BDRRMCs na:

  • I-monitor ang sitwasyon sa kani-kanilang mga lugar;
  • Maghanda sa posibleng paglikas kung

kinakailangan;

  • Makipag-ugnayan agad sa Municipal Disaster Risk

Reduction and Management Office, o Tinambac

Public Safety Office para sa anumang ulat o

insidente;

  • Ipaabot ang tamang impormasyon sa mga residente

upang maiwasan ang panic at maling impormasyon.

Ang kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing layunin.

Magin marigmat asin magkaigwa nin kooperasyon sa mga awtoridad.

– Edward Albert “Bobit” P. Prades

Municipal Mayor

Chairperson, MDRRMC