
KALIPI CELEBRATION! Modern Pastora at Christmas Party, Sabay Hataw!
Handa na ba kayong masaksihan ang isang tradisyon na binigyan ng modernong twist HABANG nagdiriwang?
Ang Local Government Unit of Tinambac at ang Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) ay nag-iimbita sa inyo para sa kanilang pinagsamang:
- Modern Pastores De Belen Presentation
- KALIPI Christmas Party!
Sama-sama nating saksihan ang makulay na kuwento ng Pasko na may kontemporaryong sayaw at sining, at makiki-celebrate sa selebrasyon ng ating mga kababaihan! Ito ay bahagi ng ating Cultural Night Series sa ilalim ng BIDA SA PASKO: Ang Tinambac 2025!
Kailan: December 13, 2025
Oras: 1:00 PM
Saan: Tinambac Sports Complex
Halina’t makisaya at suportahan ang galing ng ating KALIPI!