π’π€πŒπ€-π’π€πŒπ€ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 π„πƒπ”πŠπ€π’π˜πŽπ!

Unang Tinambac East District Teachers Conference | Agosto 8, 2025

Tinambac Central School II

Isang makabuluhang araw para sa sektor ng edukasyon sa Tinambac East District ang matagumpay na pagsasagawa ng kauna-unahang Teachers Conference, na dinaluhan ng mga School Heads, Principals, at Guro mula sa iba’t ibang paaralan sa distrito.

Pinangunahan ito ni Mr. Joselito N. Moldes, District Supervisor ng Tinambac East, na nagbahagi ng makabuluhang mensahe ng pasasalamat at panawagan ng patuloy na pagkakaisa, kaalaman, at dedikasyon ng bawat guro sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral ng Tinambac.

Kabilang din sa mga panauhing pandangal si Hon. Bobot Prades, na dumalo bilang kinatawan ni Mayor Hon. Edward Albert β€œBobit” P. Prades. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang patuloy at buong pusong suporta ng Pamahalaang Lokal ng Tinambac sa sektor ng edukasyon.

β€œAng mga guro ay hindi lamang tagapagturo kundi gabay, inspirasyon, at tagahubog ng kinabukasan. Asahan ninyo na ang LGU Tinambac ay laging kaisa ninyo sa inyong misyon,” ani Hon. Bobot Prades.

Ang kumperensiyang ito ay patunay ng matatag na ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng DepEd Tinambac East at ng LGU Tinambac β€” para sa kapakanan ng mga kabataang TinambaqueΓ±o at ng kinabukasan ng bayan.

Maraming salamat at mabuhay ang mga guro ng Tinambac East District!